Lunes, Hulyo 28, 2014

Ang kasaysayan ng Hittites

          Isang makasaysayang lahi ng mga sinaunang taong Anatoliano na nagsasalita ng Wikang Hitita. Nagtayo sila ng kahariang tinawag na Kahariang Hitita. Tinawag din silang Imperyong Hitita noong ika-14 na siglo BCE, nang masakop nila ang buong Anatolia, hilagang-kanluran ng Siria hanggang sa Ilog Litani at sa Hilaga ng Mesopotamya. Isa itong imperyong nasa kinalalagyan ng pangkasalukuyang gitnang Turkiya, at nagtagal ng may 700 mga taon, mula mga 1900 BK 
magpahanggang 1200 BK. Sa kasalukuyan nasa Museo ng mga Kabihasnan sa Anatolia na matatagpuan sa AnkaraTurkiya ang mga artipakto ng mga Hitita at Anatoliano.Anatolia tinatawag itong Asya Menor sa Turkey,Naging probinsiya rin ito ng Imperyo Romano at Silangang Imperyo Romano noong Gitnang Panahon at Nakuha ito ng mga Persia noong 530 B.C.E. At sa kasaysayan,kinilala ang mga Hittites bilang kauna-unahang mga taong nag tunaw ng bakal at naka buo ng isang sandata.Ang kaalamang ito ay itinuturing na pinaka mahalagang kontribusyon nila sa  ng mundo.Superior na mga sandata ang kanilang nagawa mula sa bakal nanaging dahilan ng mabilis nilang pananakop sa ibang mga lupain.Nakatulong nang malaki sa kanilang pag-unlad ang kanilang sistema ng pagbabatas. Hindi ito kasing-lupit ng mga batas ni Hammurabi subalit naging maayos ang pagpapatakbo ng imperyo na nagbigay-daan sa pag-unlad ngkalakalan nito. At umunlad ang lipunang Hittite dahil sa pagtuklas ng bakal dahil pa paghahanap sa higit pang matigas na metal para gawing armas. Isa sa kanilang kultura ay ang Pagtuklas at paggamit ng bakal, ang kanilang pagkakakilanlan ay ang may sistemang pagbabatas at pinakamabigat na parusa ang ipinapataw sa mga rebelyon. Binigyang diin ang pagbabayad pinsala kaysa pagpaparusa o paghihiganti. Binibigyang-diin nila ang pagbibigay ng bayad-pinsala kaysa parusang pisikal. At si Haring Mursilis  I ay nakipagdigmaan sa Souther Halab(Syria). At siya ay napatay noong 1590 B.C at ipinapatuloy ni Labarma II (Hattusili). Si Haring Suppiluima II ang huling hari ng hittites.

                                     -Salamat-

2 komento: